Ano ang Coins.ph



Ang nakikita nyo sa itaas ay ang realtime na presyo ng bitcoin.



Ano ba ang Coins.ph.

Kung hindi mo pa alam ang tungkol sa bitcoin ay inererekomenda ko muna sayo na basahin ang Ano ba ang bitcoin. Ang coins.ph ay isang bitcoin wallet na gumagamit ng internet para magkaroon ka ng access sa iyong wallet.

Ano ang bitcoin wallet.

Ang bitcoin wallet ay isang virtual na wallet na kung saan ay makakapagtago at makakapaglabas ka ng pera. Para lang itong online banking. Ang pagkakaiba nito sa online banking ay gumagamit ito ng blockchain, kung saan ay kapag mayroon kang transaksyon sa iyong wallet ay marerekord ito sa blockchain


Dalawang Klase ng Bitcoin Wallet.

  • Software Wallet (offline) - Ito ang klase ng wallet na kaylangan mong idownload ang buong blockchain. Ang bitcoin mo ay nakatago sa iyong computer. Ikaw ang may kumpletong kontrol ng iyong wallet at bitcoin. Kapag nawala o ninakaw ang hard drive ay wala na rin ang bitcoin mo.


  • Web Wallet o Hosted Wallet (online) - Ito yung wallet na mayroong tinatawag na third party. Magkakaroon ka lang ng access dito kapag may internet ka. Mas madali itong gamitin kumpara sa sofware wallet dahil bukod sa may dagdag na proteksyon sa iyong wallet ay may mga inooffer pa silang mga programa kagaya ng bill payment, loading, online shopping, online transfer atbp. Kahit mawala ang smartphone ay may access ka pa rin sa wallet mo. 

       Ang coins.ph ay isang web wallet. 

       Ito ay nagsimula noong 2014 dito sa pilipinas na nakabase sa manila. Maraming bitcoin wallet sa buong mundo pero dito sa Pilipinas maging sa Thailand ang pinakapopular ay ang coins.ph.
Ito ang ilan sa mga feature ng coins.ph.



  • BITCOIN TO PESO TICKER - Dito malalaman ang kasalukuyang halaga ng bitcoin sa peso. Dito mo makikita ang buying price at selling price. Ang buying price ay ang halaga ng bitcoin kapag bibilin mo ito at ang selling price naman ay ang halaga ng bitcoin kapag iwiwithdraw mo na ito.


  • RESOURCES - Dito mo makikita ang blog at help center ng coins.ph. Mababasa mo din dito ang mga update tungkol sa bitcoin. Dito mo din makikita ang mga announcement.


  • BUY LOAD - Dito ka makakabili ng load gamit ang pera sa wallet mo. Kapag nagload ka gamit ito ay mayroon kang 5% rebate.


  • PAY BILLS - Dito ka makakapagbayad ng bills online. Ang mga bills na pwedeng paggamitan nito ay utility bill (tubig at kuryente ), credit card (halos lahat ng bangko), broadband, cable channel provider, SSS contribution, philhealth premium, insurance, tuition fee, telecom atbp.


  • SEND/ WITHDRAW -Dito ka makakapagsend at withdraw ng pera. Madali lang magsend ng pera dito at wala pang charge. Hanapin mo lang ang wallet address ng papasahan mo at pwede mo ng isend sa kanya. Sa pagwithdraw naman ay marami kang pagpipilian kagaya ng cardless atm instant payout, bank over the counter withdrawal (BPI, BDO, Unibank etc), cash pickup (cebuana lhuillier, mlhuillier, western union etc), globe gcash, door to door delivery ( LBC, 2go Quickcash etc) atbp.


  • WALLET - May dalawa kang wallet ang peso wallet at ang bitcoin wallet. Kapag sa peso wallet mo nilagay ang pera mo ay katumbas pa rin nito ang halaga sa peso. Kapag sa ikinonvert mo naman ang pera mo sa bitcoin ay mapupunta ito sa bitcoin wallet at ang katumbas na ng halaga ay bitcoin.


  • ADD MONEY - Dito ka makakapagdeposit ng pera sa wallet mo. Madali lang magdeposit ng pera sa coins.ph. Para makapagdeposit pwede sa 7-eleven (through 7-connect), Remittance Center ( Cebuana Lhuillier, Mlhuillier, Palawan Express etc), Globe Gcash, Cash Deposit ( BPI, BDO, Union Bank etc), Online Bank Transfer (BPI, BDO, Union Bank etc), ATM Deposit ( BPI, BDO etc) atbp.
       Para sakin ay sa 7-eleven ang pinakamadali dahil sa napakaraming branch nito. Punta ka lang sa Cliqq, ito yung self service machine nila, piliin mo lang ang e-money sunod ay ang coins.ph, itype mo ang number mo na nakaregister sa coins.ph sunod ay ilagay kung magkano ang idedeposito, pagkatapos nun ay may lalabas na resibo sa machine, pumunta ka sa counter at ibigay mo ang resibo, magbayad at pagkatapos nun ay wala pang isang minuto ay magtetext na sayo ang coins.ph para sabihing nakapagdeposito ka na. Kapag binuksan mo ang account mo ay nakalagay na agad dun ang dineposito mo.




  • REFERRAL BONUS - Ito yung kapag nagverify ka palang ng ID verification ay may makukuha ka agad na 50 pesos. Makakakuha ka din ng 50 pesos kapag nakapagpasok ka ng bagong member. Pwede kang kumita dito ng hindi naglalabas ng pera. Ang kaylangan mo lang gawin ay ishare ang referral link mo sa iba. Para makakuha ka ng referral bonus ay kaylangan mo munang iverify ang Id mo at ang selfie verification. Pagkatapos nun ay may unlimited referral bonus ka na sa tuwing may mairerefer kang bagong user nito.
Ito na ang kinita ko sa pagrerefer palang sa coins.ph. Wala ko nilabas na pera dito. 

















Libre at madali ang paggawa ng account sa coins.ph. Ang kaylangan mo lang gawin ay iverify ang iyong email, phone number at identification. At kapag naverify mo na lahat. May bonus ka pang 50 pesos sa iyong peso wallet. Pwede mo itong iload agad o ibili ng bitcoin. Pwede mo rin magamit sa iyong Smart Phone ang coins.ph, idownload mo lang ang coins.ph sa google play. Para makagawa ka ng account sa coins.ph ay iclick mo lang ito Coins.ph Registration







How to get Started







How to be ID verified and Selfie Verified



How to cash in thru 7 eleven





How to Cash out thru Cardless ATM at Security Bank









Sana ay may natutunan ka sa Blog na ito. Open ang comment section para sa kumento. Salamat.


earn bitcoin in philippines, paano magkapera sa coins.ph, paano kumita ng pera, coinsph tricks, ano ang coins.ph, is coins.ph legit, bitcoin in tagalog, paano kumita ng walang nilalabas na pera, ano ba ang bitcoin, ano ang bitcoin, paano gamitin ang bitcoin, bitcoin tutorial, ano ang cryptocurency, bitcoin philippines, ano ang bitcoin wallet, ano ang btc, ano nga ba ang bitcoin, legal ba ang bitcoin, what is bitcoin in tagalog, ano ang bitcoin halving, bitcoin investment, bitcoin philippines, philippine bitcoin investor, ano ang blockchain, blockchain meaning in tagalog, paano gamitin ang coins.ph, paano bumili ng bitcoin,

20 comments:

  1. Ano ba ang Bitcoin. Ano ba ang Hashocean. Ano ba ang Hashflare. Ano ba ang Bitcoin Halving.

    ReplyDelete
  2. What is bitcoin. What is Bitcoin Halving. What is Hashocean. What is Hashflare. What is coins.ph.

    ReplyDelete
  3. Will you help me to reactivate my account, I am not given any reason why my account was suddenly deactivated by the online system.

    ReplyDelete
  4. Mam. May bayad ba maging affiliate. Bago pa lang kasi and paid website ko. Wala pa ngang laman eh kasi bago pa lang. Ang to too coins.pH run sana ito kaya nag reresearch ako. Paano ba yan? Thanks

    ReplyDelete
  5. May msg ako nareceive sa email ko kanina lang may 100php ako.. Saan ko nmn kkunin un

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

  7. super helpful tong coins.ph! kikita ka sa pagconvert lng ng cash to bitcoin and vice versa! Start na ung mga wla pa. Download nyo na sa iOS or android devices then insert this code: q6nxjn sa referral link. Both parties magkakaron agad ng 50 php after mo maverify account nyo. Wish you all success!

    ReplyDelete
  8. Safe ba gamitin? Papaano po pagwithdraw? Thru palawan po ba? Wala po bang card di tulad ng paymaya para maka withdraw sa any atm machines?

    ReplyDelete
  9. Exkash.com is reliable and most trusted instant exchange bitcoin to bank account transfer cryptocurrency withdraw btc to bank cash dollars conversion live.
    Bitcoin to Bank Account

    ReplyDelete
  10. Exkash.net is reliable and the most credible instant exchange bit coin is for bank account relocation and cryptocurrency is for cash withdrawals.Exkash can track for you that how to spend your bitcoin.
    When you will use Exkash, we may receive some compensation. Kindly, visit Exkash.net.
    Bitcoin to Bank Account

    ReplyDelete
  11. Paano makokoha pag may laman ang bitcoint wallet ko? Madali lang ba?

    ReplyDelete
  12. Crystal water is Georgia pools builders company with budget friendly customs solutions based in atlanta swimming
    pool contractors near me creative design.

    ReplyDelete
  13. Hello pwede po bang tumanggap ng btc kahit wala na sa limit ang php sa coins.ph?

    ReplyDelete
  14. Coins.ph really is a good source of additional income. You may use my referral code to start earning with coins.ph

    REFERRAL CODE --- cqkkgs

    ReplyDelete
  15. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  16. Hi, I use my Coins.ph wallet to enjoy fast, secure payments with just my phone. Sign up with my referral code and get ₱50 credit here: https://coins.ph/invite/kxuq7o

    REFERRAL CODE : kxuq7o

    ReplyDelete
  17. Bitcoin Mixer 2020 clean your bitcoins with >> https://www.ghostmixer.cc

    ReplyDelete
  18. pag maglagay ako malaki sa bitcoin paano lalaki pera ko?

    ReplyDelete
  19. Mind Capital – Inversión en Criptomonedas

    Mind.Capital es un novedoso sistema de inversión en criptomonedas encabezado por Gonzalo García-Pelayo junto a un equipo de expertos en inversiones, matemáticas y tecnología.

    El método desarrollado por Mind Capital, después de mucho tiempo de investigación del blockchain es capaz de estudiar y analizar a tiempo real la evolución de los principales criptoactivos. De esta forma, encontrarán el momento idóneo para realizar órdenes de compra y/o venta.
    To know more Click Here

    ReplyDelete

Ang blog na ito ay nananatiling Ads free, tumatanggap ng donasyon para mas lalong mapaganda ang site
Bitcoin Address: 195HcjNnyPngtTLmf5ggki2Ay23rUuUhf2
Ethereum Address: 0x3311539F165cE1ed2733eA5C330bAEDf42803ad4

Maraming Salamat :)