Ano ba ang Hashflare



Ang nakikita nyo sa itaas ay ang realtime na presyo ng bitcoin.



Ano ba ang Hashflare.

Ang hashflare ay isang cloud mining site na nagsimula noong April 23 2015 sa Tallinn Estonia. Ito ay sangay ng Hashcoins, isang malaking kumpanya na eksperto sa paggawa ng mga aparato sa pagmimina ng mga cryptocurrency. Lahat ng aparato na ginagamit nila sa kanilang 2 megawatt na data center ay galing sa hashcoins na nakabase din sa Tallinn Estonia, na itinatag ni Sergei Potapenko noong 2013. Noong 2015 ay bitcoin lang ang kanilang minimina pero noong april 2016 ay nagsimula na rin silang magmina ng Ether, ito ang bagong cryptocurrency na nagsimula noong 2014.


Ano ang kanilang mga Serbisyo.

Ang hashflare ay gumagamit ng mga ibat ibang aparato sa pagmimina, kung saan ay maaari kang mamili kung anong aparato ang gagamitin mo sa kanilang mga mining farm.

SHA-256 Cloud Mining (Bitcoin mining)

       SHA-256 Algorithm Miner
       Minimum Hashrate:   10 GH/s
       Hardware:   HashCoins SHA-256 
       Automatic Payout in BTC
       *Lifetime Contract

SCRYPT Cloud Mining (Bitcoin mining)

       Scrypt Algorithm Miner
       Minimum Hashrate:   1 MH/s
       Hardware:   HashCoins SCYPT
       Automatic Payout in BTC
       *Lifetime Contract

ETHASH  (Ether Mining)

       ETHASH Algorithm Miner
       Minimum Hashrate:   100 KH/s
       Hardware:   GPU Rigs
       Automatic Payout in ETH
       1 Year Contract

Ang lifetime contract ay nakadepende sa kung profitable pa ba ang pagmimina ng mga cryptocurrency.


Paano kikita sa HashFlare.



  • Cloud Mining - ito yung paraan kung saan ay bibili ka lang ng mga mining power sa hashflare. Maihahalintulad ito sa pagbili ng share of stocks ng isang kumpanya. Kapag kumita ang kumpanya ay kikita ka, kapag nalugi naman ay malulugi ka rin. Isa sa mga advantage nito ay hindi mo kailangan bumili ng buong unit ng hardware para magsolo mining. Ang pinakamababang mabibili mo na mining power ay nakadepende sa kung anong hardware ang gagamitin mo.

  • Referral Bonus - hindi na bago ang referral bonus sa mga bitcoin cloud mining program. Ito kasi ang matipid na paraan para makilala sila ng mga tao ng hindi nagbabayad ng mga mahal na advertisement. Sa hashflare ay makakatangap ka ng referral bonus na 10% ng bibilin na mining power ng referral mo. Ang hashflare ang may pinakamalaking referral bonus sa mga cloud mining sites.

Paano magsisimula sa HashFlare.

Una ay kailangan mo ng bitcoin wallet na gagamitin mo para magbayad ng bitcoin sa hashflare. Para malaman ang tungkol sa bitcoin wallet ay pwede kang magbasa dito > Ano ba ang Coins.ph. Kapag mayroon ka ng bitcoin wallet ay kaylangan mong gumawa ng account sa hashflare. Free lang ang paggawa ng account, ang kaylangan mo lang ay isang valid email address. Pagkatapos mong gumawa ng account ay kaylangan mong mamili kung anong mining hardware ang gagamitin mo. Magkakaiba ang minimum power at minimum price na pwede mong bilin sa bawat mining hardware. Eto ang link para sa HashFlare> HashFlare

SHA-256 Cloud Mining 
       Minimum Power: 10 GH/s
       Price per 10 GH/s: $1.60 o 75 Php

SCRYPT Cloud Mining
       Minimum Power: 1 MH/s
       Price per 1MH/s: $9.90 o 460 Php

ETHASH Cloud Mining
        Minimum Power: 100 KH/s
        Price per 100 KH/s: $3.50 o 160 Php


Ang kikitain mo ay nakadepende sa dami ng power na binili mo. Maliban sa pagpili ng hardware ay makakapili ka rin kung saang pool mo ilalagay ang pera mo. Magkakaiba kasi ng ang kita sa bawat pool.

SHA-256 Cloud Mining 
       Pools: BW.com, Ghash.io, Eligius

SCRYPT Cloud Mining
       Pools: Ghash.io, F2pool, WemineLTC

ETHASH Cloud Mining
       Pools: DP, EP


Legit ba ito o scam.

Bagamat bago pa lamang ang hashflare sa cloud mining ay matagal naman na ang main company nito na HashCoins sa industriya ng cryptocurrency. Kung ikukumpara ito sa iba pang mga lehitimong cloud mining sites ay kumpleto din ito ng detalye. Mayroon itong mining address, owner, telephone number, business registration, website domain at mga picture ng kanilang mining farm.






Eto ang ilan pang mga review sa kanila.

Bittrust.org
Cloud Mining Directory
Bitcoin Cloud Mining



Ano nga ba ang Bitcoin?
Ano nga ba ang Bitcoin Halving?
Ano nga ba ang Coins.ph?

4 comments:

  1. Ano ba ang Bitcoin. Ano ba ang Hashocean. Ano ba ang Hashflare. Ano ba ang Bitcoin Halving.

    ReplyDelete
  2. What is bitcoin. What is Bitcoin Halving. What is Hashocean. What is Hashflare.

    ReplyDelete
  3. I agree, hashflare is great! Already in here https://hashflare.io/r/198E8BFD-1712
    Legit company in my opinion, solid gains!
    found another young mining company that does look good as well, but not as long in business like hashflare, so here more risky, but the reward much higher! -> just make sure you make daily withdrawl, to get back your initial investment first and then free ride!!!
    https://crypterra.net/?code=CR8500
    2 year Cloud Mining Contracts. 50 days or less ROI. until the 30th of January with promocodes on their homepage. They are new. Trying to steal market shares from Hashflare and Genesis!!
    Just sharing a thought, not an investors advice!! up to you guys - make your own DD, best to you and yours

    But if you want just invest in crypto stocks - I suppose to look deeper in US Global Investors (they invested big in ETH) or Digital Power Holdings (investing in BTC)

    ReplyDelete
  4. Bitcoin Mixer 2020 clean your bitcoins with >> https://www.ghostmixer.cc

    ReplyDelete

Ang blog na ito ay nananatiling Ads free, tumatanggap ng donasyon para mas lalong mapaganda ang site
Bitcoin Address: 195HcjNnyPngtTLmf5ggki2Ay23rUuUhf2
Ethereum Address: 0x3311539F165cE1ed2733eA5C330bAEDf42803ad4

Maraming Salamat :)