Friday, June 3, 2016

Ano ba ang Bitcoin




Ang nasa itaas ay ang realtime na presyo ng bitcoin.



Ano ba ang Bitcoin





       Bitcoin? Marahil narinig mo na o kaya nabasa ang salitang yan. Alam kong may ilang katanungan sa iyong isipan kung ano at paano gamitin ito. Masuwerte ka dahil hinahanap mo ang mga sagot sa katanungan na yan dahil sa katunayan ay iilang porsyento palang ng populasyon ang nakakaalam nito at ang iba ay walang interes na malaman ito kaya sinisigurado ko sayo na balang araw ay mapipilitan nalang sila na gamitin ang bitcoin.

       Ang Bitcoin ay isang uri ng salapi na hindi gumagamit ng papel. Mga numero ito sa screen ng computer o smartphone na may katumbas na halaga sa pera natin. Tinatawag itong Digital Currency. Ano ang Digital Currency? Para mas lalo pa nating maintindihan ay alamin muna natin ang kasaysayan ng salapi. Hatiin nalang natin sa tatlong bahagi.

     Medyo mahaba ang blog na ito dahil sinikap kong maituro ang mga mahahalagang detalye na kaylangang malaman ng baguhan na kagaya mo. Pero kung nagmamadali ka o tinatamad magbasa at gusto mo agad makagamit nito punta ka dito. > Tinatamad ako.  

      Pinili ko din na huwag lagyan ng mga Ads ang blog na ito para walang distraction na nakikita ang mga mambabasa. Dahil dun ay wala akong kita :( . Pero hindi ako tumatangi sa anumang tip na ibibigay mo sakin :b Kung bukal sa puso mo eto ang bitcoin address ko salamat :D
Send bitcoin here  36z5inCk36xyHjuh7w1jWct9xdtZ7npPvL



 3 STAGES/ AGES OF CURRENCY




  • COMMODITY  ( AGRICULTURAL AGE  ) - Dito nagsimula ang ideya ng salapi. Eto yung panahon ng Barter  kung saan ang manok ay pwedeng ipalit ng asukal, ang isang kaban ng palay ay pwedeng ipangbili ng kambing at marami pang iba. Depende ito sa napagkasunduan. Sa panahon na ito ay wala pang sukli. At kaylangan na magkasundo muna kayo ng interes kung ano ang kaylangan mo at ano ang kaylangan ng kapalitan mo.


  • FIAT ( INDUSTRIAL AGE ) - Ito ay yung panahon na nagkaroon na ng mga factory, makina at mga malalaking gusali. Dito na nagsimula ang perang papel. Dumami ang mga factory at nagkaroon ng mga empleyado. Nauso na rin ang paniningil ng gobyerno ng mga buwis kung saan ang kanilang tinatanggap na pangbayad ay mga perang papel. Perang papel din ang sweldo ng mga empleyado. Ginamit ang sistemang ito sa buong mundo at dahil dito ay nagkaroon ng halaga ang perang papel o fiat money.


  • DIGITAL CURRENCY ( INFORMATION AGE ) - Sinasabing ito ang future na salapi natin. Kung saan, hindi na tayo gagamit ng perang papel o perang nahahawakan. Ang pawang gagamitin nalang natin ay ang ating mga gadgets para makabili ng produkto at serbisyo. 
      
       Ngayong 21st Century ay nabubuhay na tayo sa Information Age. Tapos na ang industrial age ngunit ang ginagamit pa rin nating salapi ay panahon pa rin nito, ang perang papel.

       Lilinawin ko lang hindi lang uri ng salapi ang isyu dito (pagiging papel or digital) kundi pati na rin ang sistema na ginagamit sa uri ng salapi. Magkaiba ang sistema na ginagamit sa Fiat currency na ginagamit ngayon at ang sistema na ginagamit sa Bitcoin.





Ano ang salapi.

       Ang salapi ay kahit anong bagay o rekord na karaniwang tinatanggap bilang isang kabayaran para sa merkansiya o serbisyo at kabayaran para sa mga pautang sa isang bansa o isang socio-economic na konteksto. Ang pangunahing silbi ng salapi ay: isang kasangkapan ng palitan, isang unit of account, isang store of value, at karaniwan isang standard deferred payment. Kahit anong bagay na may patunay na rekord ay pwedeng magsilbi bilang isang salapi.

       Ang pera ay isang imahinasyon, ideya o paniniwala lamang. May ginagamit na ba na perang papel noong panahon ng agricultural age? Noong panahon na yon ang ginagawa lang para makabili ng produkto o serbisyo ay ang pakikipagkasundo lamang. At ganoon din sa perang papel, ito ay tinatanggap dahil napagkasunduan na ito ay gamitin. Habang maraming tumatanggap nito ay mas lalo itong nagkakaroon ng halaga. At ganoon din sa ibang uri ng salapi kagaya ng atm, tseke, online banking, token, bitcoin atbp.





Mayroong Dalawang Uri ng DIGITAL CURRENCY:

  •  VIRTUAL CURRENCY - ito ay yung uri ng digital currency  na kontrolado ng mga gumawa nito (developer). Ito ay maaari lamang gamitin sa mga kasapi ng isang virtual community. Isang halimbawa nito ay ang Amazon Chips.


  • CRYPTOCURRENCY - Ito ay yung uri ng digital currency na gumagamit ng Cryptography. Ang Cryptography ay isang secure na paraan para makapagpasa ng Digital Signature sa pamamagitan man ng peer to peer transfer at decentralization.


             Ang Bitcoin ay isang uri ng cryptocurrency na gumagamit ng tinatawag na Blockchain o yung tinatawag na World Wide Ledger
             
             Ang Blockchain ay binubuo ng mga computer o participant na konektado sa bawat isa. Dahil sa konektado ang bawat computer sa bawat isa ay may iisa lamang itong listahan ng mga transaksyon.  





             Pamilyar ka ba sa diagram sa itaas? Oo, tama ka ang blockchain ay parang Torrent. Kung mapapansin mo ang bawat computer o participant sa itaas ay konektado nang derekta sa bawat isa. Ibig sabihin ay walang middle man na dinadaanan ng mga transaksyon sa gitna. Ang tawag sa uri ng koneksyon na yan ay peer to peer
          
             Bukod sa peer to peer, ang blockchain ay isa ring Decentralize. Ang ibig sabihin ng decentralize ay ang lahat ng data o transaction sa blockchain ay nalalaman ng bawat participant.  Halimbawa muna natin ang transaksyon sa bangko. Ang sistema sa bangko ay Centralize. Halimbawa nito ay kapag nagpadala ako ng pera sa kaibigan ko na si Dapap ay iveverify nila kung lehitimo ang transaksyon, tapos ay irerekord at pagkatapos nun ay saka pa lang lilitaw sa account ni Dapap yung pinadala ko. Ang nakakaalam lang ng bawat transaksyon ay ako, si Dapap at ang Banko. Hindi mangyayari ang transaksyon ng wala ang bangko (middle man). Ibig sabihin ay kontrolado ng bangko (middle man) ang bawat transaksyon.

            Halimbawa naman ng decentralize ay kapag nagpadala ako ng pera kay Dapap (tignan ang diagram) ay malalaman ito ng lahat ng participant sa blockchain (Jess, Floi, Bec, atbp.). Maililista ito sa kani-kanilang ledger. Ibig sabihin ay meron lang isang listahan para sa lahat ng mga transaksyon sa buong blockchain. Kung ganon ay dapat magkakapareho ang ledger ng bawat isa.

             Paano kung may mandaya? Halimbawa, si Renz ay binago ang nakadeklarang pera niya sa ledger niya upang madagdagan ang kanyang pera. Tapos ay nagpadala siya ng pera sa syota niya na si Bec. Dahil nga decentralize ang bawat transaksyon ay malalaman muna ito ng lahat ng participant sa blockchain. Iveverify ng bawat participant ang ledger ni Renz kung pareho ba ito sa kanilang ledger. Kapag nalaman nila na hindi pareho ang ledger ni Renz sa kanilang mga ledger ay irereject ang transaksyon ni Renz sa blockchain. Ganyan kasecure ang bitcoin.
            
             Nakita mo ba ang pagkakaiba? Sa Centralize na sistema ay kontrolado lang ng middle man (Bangko, Remittance Center etc.) ang bawat transaksyon. Hindi mangyayari ang bawat transaksyon ng wala ang middle man. Eh paano kung magkaroon ng Glitch o System failure ang Middle man? May nabalitaan ka na bang bangko na nagka-system failure? Madalas yan. Isa na rin itong dahilan kung bakit kaylangan nating magbayad ng mataas fee (kung minsan ay may pagka-gahaman) sa middle man para maging secure ang bawat transaksyon.  Sa Decentralize na sistema naman ay wala kahit isa na kumokontrol ng bawat transaksyon. Wala rin naman kasi kayang kumontrol nito, kahit pa ang creator nito.





      Peer to Peer


                  
      Bank                                              Bitcoin


      Sino nag-imbento nito.

             Inembento ito ng nagpakilalang Satoshi Nakamoto noong 2009. Ngunit hangang ngayon ay hindi pa rin malaman kung sino talaga si Satoshi Nakamoto. Ang pangalang Satoshi Nakamoto ay isang hapon ngunit nang tignan ang kanyang mailing address ay sa Germany. Mayroong ilang kuro-kuro na ang nag-imbento daw nito at ng pangalang Satoshi Nakamoto ay nanggaling sa mga ibat ibang kumpanya. SAmsung TOSHIba NAKAmichi MOTOrola. Ngunit ito'y sabi sabi lamang. Pagkatapos niyang ipakilala ang sistema ng bitcoin ay bigla nalang siyang naglaho na parang bula.



      Saan nanggagaling ang mga BITCOIN.


             Kung ay perang papel ay ginagawa, ang bitcoin ay dinidiskubre. Si Satoshi ang nag-imbento ng bitcoin pero ang inembento nya ay ang sistema lamang. Maihahalintulad ang bitcoin sa ginto na minimina. Ang proseso ng pagmimina nito ay ang pag-sosolve ng mga mathematical problem o ang tinatawag na Blocks, na paulit ulit at nakadesenyong maging mahirap habang dumadami ang nasosolve na blocks. Ang prosesong ito ay tinatawag na Solving the BlocksMiner ang tawag sa mga gumagawa nito. Kung sinumang miner ang makasolve ng blocks ay siya ang nabibigyan ng reward, ito ay ang bitcoin. 
      Bawat blocks ay may katumbas na bilang ng bitcoin. Kapag nasolve na ang block ay uulitin ulit ang proseso ngunit mas mahirap na ang kaylangang isolve ng computer. Ang sistema ng pagmimina ang dahilan kung bakit nadadagdagan ang mga bitcoin na nagcicirculate sa blockchain. Noong 2009 ay makakapagmina ka ng bitcoin gamit lamang ang ordinaryong computer. Ngunit ngayon ay kaylangan na ng mga special hardware para makapagmina ng bitcoin dahil nga mas mahirap na ang mga mathematical problem ngayon. Ang bitcoin ay nakadesenyo lamang na may 21 million unit. At ang namimina na sa ngayon (June 2016) ay 15,616,875 o 74.37% na ng kabuoang bilang. Ang reward sa kada blocks ay nababawasan sa paglipas ng panahon. Dahil yan sa tinatawag na bitcoin halving. Magbasa pa dito - Ano ang Bicoin Halving.


      Halaga ng BITCOIN.




             Paano nga ba nagkaroon ng halaga ang bitcoin. Balikan natin yung agricultural age. Halimbawa nito ay mayroon kang sampung troso na gusto mong ipalit ng kabayo. Kaylangan mo munang maghanap ng tao na mayroong kabayo at mapapayag siya na ipagpalit ang kabayo niya ng sampung troso. Kung hindi siya pumayag ay ibig sabihin na walang halaga ang sampung troso mo para sa kanya. Ganyan din sa fiat currency, ito ay may halaga dahil tinatanggap ito ng gobyerno bilang pambayad ng ating mga buwis. Nagkakaroon lang ng halaga ang isang bagay kung mayroong tatanggap nito.
             
             Ang bitcoin ay nagkaroon ng halaga dahil sa may tumatanggap nito. Tinangkilik ito sa maraming dahilan. Ilan dito ay, madaling magpadala ng pera, walang charge kapag nagpadala, walang buwis, secure, tumataas ang halaga, mas madali dalin etc.
            
            Noong June 2010 ang halaga lang ng bitcoin ay 3.70 php. Ngayon ( June 4 2016) ang halaga na ng bitcoin ay 26,394 php. Ibig sabihin ay kung bumili ako ng isang bitcoin noong 2010 sa halagang 3.70 php at hinayaan ko lang yun na nakatago sa bitcoin wallet ko ng 4 years ay mayroon na akong 26 394 php ngayon. Madaling tumaas ang halaga ng bitcoin dahil sa unti unti na itong tinatanggap sa iba't ibang panig ng mundo.

             Ang nasa ibaba ay ang presyo ng bitcoin sa mga oras na binabasa mo ito.


              Hindi ka nagkakamali sa nakita mo. Yan na talaga ang presyo ng bitcoin ngayon. Siguro naiisip mo na huli na ang lahat para makabili ka pa ng bitcoin. Huwag ka mag-alala kasi hindi mo naman kaylangang bilin ito ng buo. Pwede ka naman bumili ng Satoshi, ito yung maliit na halaga ng bitcoin na katumbas ay 0.00000001 BTC.

             Sumasabay ang bitcoin sa teknolohiya. Mayroon ng bitcoin ATM machine at mayroon na rin niyan sa Pilipinas sa may Makati. Para magamit yan ay kailangan lang itapat sa sensor ng ATM ang QR code sa Smartphone at pagkatpos nun ay pwede nang magwithdraw o magdeposit. Mayroon na ring bitcoin debit card kung saan ay pwedeng magwithdraw sa ibat ibang Atm machine. 




       Sunette Tower Hotel, Makati Ave, Makati, Metro Manila


             Ang halaga ng bitcoin ay inaasahan pang tataas sa mga susunod na taon. Magbasa pa dito- Ano ang Bitcoin Halving.



      Paano makakagamit ng BITCOIN.


             Para makagamit ng bitcoin ay kaylangan mo muna ng bitcoin wallet. Ang bitcoin wallet ay isang digital wallet na magagamit mong imbakan ng mga bitcoin. Para lang itong online banking na kung saan ay may access ka online anumang oras. Maraming bitcoin wallet sa buong mundo pero dito sa Pilipinas at Thailand ang pinaka-popular ay ang coins.ph. May dalawang klase ng wallet sa coins.ph, ang peso wallet at ang bitcoin wallet. Ang peso wallet ay ang katumbas na halaga ng pera mo sa peso. Ang bitcoin wallet naman ay ang katumbas na halaga ng pera mo sa bitcoin. Madali lang magdeposit ng pera sa wallet. Sa coins.ph pwede kang magdeposit sa pamamagitan ng 7-eleven, bank cash deposit at online transfer, globe gcash, remittance center atbp.

             
             Para sakin ay sa 7-eleven ang pinakamadali dahil sa napakaraming branch nito. Punta ka lang sa Cliqq, ito yung self service machine nila, piliin mo lang ang e-money sunod ay ang coins.ph, itype mo ang number mo na nakaregister sa coins.ph sunod ay ilagay kung magkano ang idedeposito, pagkatapos nun ay may lalabas na resibo sa machine, pumunta ka sa counter at ibigay mo ang resibo, magbayad at pagkatapos nun ay wala pang isang minuto ay magtetext na sayo ang coins.ph para sabihing nakapagdeposito ka na. Kapag binuksan mo ang account mo ay nakalagay na agad dun ang dineposito mo. Mababasa mo ang iba pang feature ng coins.ph dito Ano ang coins.ph




            Para makagawa ng account sa coins.ph ay iclick lang ito Coins.ph

            Maliban sa coins.ph ay maaari ring gamitin ang mga wallet na ito.

      Coinbase (para sa bitcoin, ether at litecoin)


      Xapo Wallet (para sa bitcoin, nababagay na gamitin sa mga faucet sites)




      Kapag may BITCOIN WALLET ka na ay pwede ka na sa susunod na topic.:) 


      Paano Kumita sa Bitcoin.


      Ito ang ilang paraan para kumita sa bitcoin. Mayroong libre at mayroon din namang may bayad. 



      • MINING (SOLO MINING) - Mahalaga ang role na ginagampanan ng mga miner sa blockchain. Sila ang may responsibilidad kung bakit gumagalaw ang mga transaksyon ng bitcoin sa blockchain. Bawat grupo ng transaksyon ay tinatawag na blocks. Ang bawat blocks ay nakaencode sa tinatawag na cryptography, ito yung secure na paraan ng pag-eencode ng mga data signature na ginagamit din ng mga bangko. Trabaho ng miner na idecode ang mga bagong blocks at iverify kung hindi ba ito tampered sa pamamagitan ng pagkukumpara sa mga naunang blocks. Kapag naverify na lehitimo ang bagong blocks (grupo ng mga transaksyon) ay saka pa lang maidadagdag ang bagong blocks sa blockchain. Tinawag itong blockchain kasi ito ay grupo ng mga blocks, mula sa pinakauna hanggang sa pinakabago.
               Bawat bagong blocks na maidagdag ng mga miner sa blockchain ay may katumbas na bilang ng bitcoin. Sa paraang ito kumikita ang mga miner. Magbasa pa dito Ano ang bitcoin halving.


      •  BITCOIN FAUCET - May mga site na namimigay ng libreng bitcoin. Kaylangan lang gawin ang pinagagawa nila kagaya ng paglalaro ng games, pagview ng mga advertisement, pagsolve ng captcha atbp. Depende sa site na pupuntahan mo. 

              Ang reward ay nasusukat sa satoshi na may katumbas na 0.00000001 BTC. Makakaipon ka ng bitcoin dito kapalit lang ng oras mo. Kaylangan mo lang mag-intay at mag-tiyaga. 
              Ito ang ilan sa mga faucet sites. Kaylangan mo lang ng xapo wallet para iclaim ang reward. Kapag nakaipon ka na ng Satoshis ay saka mo palang itransfer sa Coins.ph wallet mo.


                 
      MOONBIT  Claim every ( ikaw ang bahala, timer kasi siya. The longer the time mas malaki ang makukuha pero habang tumatagal mas babagal ang production. For me claim mo siya every 2-3 hrs.)           
      FIELDBITCOINS    Claim every ( ikaw ang bahala same as Moon:) , timer kasi siya.  The longer the time mas malaki ang makukuha pero habang tumatagal mas babagal ang production. For me claim mo siya every 2-3 hrs.)                
      BITCOINZEBRA     Claim every 1hour.            
      BITSFORCLICKS    Kailangan mo lang magview ng mga ads                    Marami pang faucet site sa Google.


      • HYIP (HIGH YIELD INVEST PROGRAM) - Narinig mo na ba ang mga salitang "Bitcoin? Wag ka sasali diyan scam yan" "Parang networking yan itatakbo niyan pera mo""loko loko lang nag-iinvest sa bitcoin". Well ang mga taong nagsasabi nun ay hindi nila alam ang bitcoin.  Kung naintindihan mo ang mga binasa mo kanina ay alam mong hindi bitcoin ang tinutukoy nila kundi mga programa na ginagamit lang ang bitcoin para mangloko ng mga tao.  Ang tawag sa mga programang yan ay HYIP o High Yield Investment Program.  Ito yung mga site na nangangako ng high return sa investment. Iba-iba ang kanilang programa. Maraming nag-oofer ng HYIP sa internet at sinisigurado ko sayo na lahat yan ay Scam.  Gayon pa man kahit na malinaw na scam ang mga HYIP ay marami pa ring kumikita dito, usually sila yung mga naunang sumali at sila yung nagrecruit sayo.  Itong mga HYIP na to ang dahilan kung bakit nasisira sa mga tao ang Bitcoin.  Huwag na huwag ka sasali sa mga ito. 


      • CLOUD MINING - Ito yung paraan ng pagmimina ng hindi ka bibili ng sarili mong hardware. Dahil nga malalaking mining business na ang makakalaban mo kapag nagtayo ka ng sariling mining farm ay malaki rin ang posibilidad na matalo ka sa kumpetisyon. Ang ideya ng cloud mining ay parang pagbili ng share of stock ng isang kumpanya, kung saan ay binibili mo ang maliit na bahagi ng kumpanya at ang kita ay nakadepende sa dami ng share mo. Ang mining farm ay nasusukat sa mining power nito. Kung gusto mong maging kabahagi ng mining farm ay maaari kang bumili ng mining power sa kanila. Mag-ingat ka rin sa mga HYIP na nagpapanggap na Cloud Mining Site marami yan.  Siguraduhin mo na totoong may mining farm ang sasalihan mo dahil kung wala ay HYIP yan. 


      Ito ang ilan sa popular na cloud mining site ngayon. Free lang ang paggawa ng account kaya pwede ka nang gumawa ng account para mas lalo mo pang maintindihan ang sistema sa cloud mining.

      Hashflare              Ano ang HashFlare?


      Genesis Mining 
                             


      • TRADING- Ito ang isa sa pinakapaborito ko kasi mas kontrolado ko ang risk dito. Ako ang may kumpletong kontrol sa mga cryptocurrency ko. Kagaya lang ito ng forex. Bibili ka ng bitcoin sa mababang halaga at iintayin na tumaas ang halaga nito. At saka ibebenta kapag tumaas na ang presyo nito kaysa sa presyo nung nabili mo. Merong dalawang uri ng trading sa bitcoin. Ito yung 

      1.  Cryptocurrency to Fiat (Bitcoin to PHP)
      2.  Cryptocurrency to Cryptocurrency (Bitcoin to Altcoin)
               Altcoin ang tawag sa iba pang cryptocurrency maliban sa bitcoin. Nagkakaibaiba sila ng presyo. Kadalasan kapag bumababa ang halaga ng bitcoin ay tumataas ang halaga ng mga matatatag na altcoin. Kapag tumataas naman ang bitcoin ay bumababa ang halaga ng altcoin.             


      • REFERRAL BONUS - Mayroong ilang mga sites na nag-oofer ng referral bonus. Ishare mo lang ang referral link mo sa iba at kapag naging interesado sila at nag-register ay automatic na may kita ka. Sa coins.ph ang referral bonus ay 50 php sayo at sa napamember mo. Sa hashflare at genesis ay mining power naman ang matatanggap mo. 






      Ngayong information age ay nagbago na rin ang paraan para kumita. Kung dati noong panahon ng industrial age ay kaylangan mong magtrabaho, pumasok sa malalaking kumpanya at akyatin ang corporate ladder, at mamuhunan ng malaking pera, ngayon ay hindi na halos kaylangan ito. Kahit nasa bahay ka lang at nakaupo ngayon ay kikita ka na. Ang kaylangan mo lang ay ang tamang impormasyon at kaalaman na sumasabay sa panahon. Mayroon ngang kasabihan na para manatili kang bata ay dapat mayroon ka laging bagong kaalaman na sumasabay sa panahon. 



      Eto ang ilan sa mga kilalang tao na naniniwala sa bitcoin:


      "With e-currency based on cryptographic proof, without the need to trust a third party middleman, money can be secure and transactions effortless.” - Satoshi Nakamoto, Bitcoin developer

      “Bitcoin is Money Over Internet Protocol.” Tony Gallippi, BitInstant CEO

      “Bitcoin is Cash with Wings” - Charlie Shrem

      "Bitcoin is better than Currency" - Bill Gates


      Coins.ph ( Ano ba ito )
      Ano ang Hashflare?
      Ano ang Bitcoin Halving?
      Tips and Advice


      Sana ay nakatulong sayo ang blog na ito. Kung gusto mo ng update at tips kung anong mga coins ang magandang bilin ishare mo ang blog ko then ifollow mo ako. Pag nakita ko na nakapost sa wall mo ang blog na ito ako magaadd sayo.  Ito ang FB ko FB.

      Mas magiging pamilyar ka din kung sasali ka sa group ng bitcoin kagaya dito Philippine Bitcoin Investors. Maging maingat ka lang sa pagsali sa program dahil karamihan dito ay scam.


      earn bitcoin in philippines, paano magkapera sa coins.ph, paano kumita ng pera, coinsph tricks, ano ang coins.ph, is coins.ph legit, bitcoin in tagalog, paano kumita ng walang nilalabas na pera, ano ba ang bitcoin, ano ang bitcoin, paano gamitin ang bitcoin, bitcoin tutorial, ano ang cryptocurency, bitcoin philippines, ano ang bitcoin wallet, ano ang btc, ano nga ba ang bitcoin, legal ba ang bitcoin, what is bitcoin in tagalog, ano ang bitcoin halving, bitcoin investment, bitcoin philippines, philippine bitcoin investor, ano ang blockchain, blockchain meaning in tagalog, paano gamitin ang coins.ph, paano bumili ng bitcoin,

      40 comments:

      1. Ano ba ang bitcoin. Ano ba ang coins.ph. Ano ba ang hashocean. Ano ba ang bitcoin halving

        ReplyDelete
        Replies
        1. ayun siguradong maiintindihan nila ng mabuti ang bitcoin.
          https://bitcoinpinassite.wordpress.com/

          Delete
      2. What is bitcoin. What is Bitcoin Halving. What is Hashocean. What is Hashflare.

        ReplyDelete
      3. $$$$$$$ BTC FAUCET ROTATOR £££££££
        * COLLECT 10 THOUSAND Satoshi in 5 MINUTES.
        * MAXIMIZE your Satoshis per Claim ratio.
        * HIGHEST PAYING FAUCETS, starting at 5,000 satoshi per claim.
        €€€€€€€ http://www.iacbit.org/faucet-rotator/ €€€€€€€

        ReplyDelete
      4. Hey Everybody,

        Below are the most recommended BTC exchangers (BUY/SELL):
        Coinbase: $1 min. transaction
        CoinMama

        Earn free BITCOINS with the best bitcoin faucet rotator:
        BEST Faucet Rotator

        ReplyDelete
      5. There's a chance you are qualified to get a free $1,000 Amazon Gift Card.

        ReplyDelete
      6. Earn faucet satoshis from Easy Bitcoin Faucet. 11 to 33 satoshis per 10 minutes.

        ReplyDelete
      7. Claim free satoshis at Moon Bitcoin. 29 satoshis every 5 mins.

        ReplyDelete
      8. From 0.001 to 1 000 000 bitcoins in the affiliate program from Redex.Prodvigay unique services get bitkoiny.Detail here https://redexredbiz.wixsite.com/unlimited-english

        ReplyDelete
      9. Hello!

        My name is Andrea, an affiliate program manager for InstaForex Group.
        We would like to offer you the affiliate program cooperation that allows you getting $15-53 from every standard market lot of your customer. If you are interested, please contact me and I will provide the details.

        InstaForex provides all the partners with the following opportunities:

        SUB-IB Program - attract the partners and get the commissions from attracted by them clients;
        the widest range of promotional materials;
        free content for your web-site;
        advanced referral link statistics in your Partner Cabinet;
        free ready-made website for your convenience;
        coupon bonuses to encourage traders;
        the campaign - "$500 Affiliate Reward!";
        the gifts to partners: raffle of the mobile gadgets (iPad, iPhone, Blackberry, or Samsung Galaxy Tab);
        wide choice of payment systems for account replenishment and funds withdrawal;
        the support and the individual approach to every partner.


        Become an affiliate right now and get the informational materials for your web-site with the integrated affiliate link!

        Looking forward to hear you soon. Please reach me through skype id andrea.partners.ifx or email partners@mail4.instaforex.com. We will be glad to establish mutually advantageous cooperation with you.Thank you.



        Sincerely yours,
        Andrea

        Partner Relations Department
        InstaForex Group
        Skype ID : andrea.partners.ifx
        https://www.instaforex.com
        InstaForex Partners Facebook Page

        ReplyDelete
        Replies
        1. This comment has been removed by the author.

          Delete
      10. Nagjoin ako sa fieldbitcoins. Bale ikaw ba ang sponsor ko? Paanong magiging bitcoins ang naiipon kong satoshi? Paano kong maitatransfer sa wallet ko at mawithdraw. Ang sabi bibigyan daw ako ng Xapo account ng Fieldbit once na magclaim ako ng satoshi. Padadalhan daw ako ng email sa email add ko at click ko lang daw ang link ddon at ok na. Nakailang claims na ako, wala pa ring email sa akin. Bakit ganon? I hope you can help me. Thanks in advance.

        ReplyDelete
        Replies
        1. Hello Paul.
          "bibigyan daw ako ng Xapo account ng Fieldbit once na magclaim ako ng satoshi."
          -Ibig mo po ba sabihin wala ka pang account sa xapo wallet bago ka magjoin sa fieldbitcoins? Kung wala ka pang xapo wallet, dapat gumawa ka muna ng xapo wallet. Yung email na ginamit mo sa pagregister sa Xapo Wallet yun din dapat ang ilagay mo na email sa Fielbitcoins. Yung Xapo wallet mo ay dapat email at phone number verified. Kapag nagwithdraw ka ng Satoshi sa Fieldbitcoin ay automatic magrereflect dapat sa Xapo wallet yung nawithdraw mo.

          "Paanong magiging bitcoins ang naiipon kong satoshi?"
          -Ang Satoshi ay isa lamang unit na ginagamit sa bitcoin. Ang katumbas na halaga ng 1 Satoshi ay 0.000001 Bitcoin.

          Delete
      11. May iba ka bang account like fb, email o google+ para mas madali kitang makontak?

        ReplyDelete
      12. Hi Paul. Kung ang clinick mo ay yung link niya sa itaas, siya ang sponsor mo kaso wala siyang access sa account mo. I recommend na icontact mo ang Xapo. Ung author din ng blog na ito ang sponsor KO at 1st day q ngaun. Hehe. I used the first option na sa wallet KO directly isend ung naipon Kong satoshi. I hope nakatulong ako sa iyo. Anyway po, kung gusto mo pa ng ibang sources ng satoshi na legit din, just visit my fb page "The Cyber Seeds". Paki like and share po. God bless.

        ReplyDelete
      13. If you are looking to BUY bitcoins online, Paxful is the best source for bitcoins as it allows buying bitcoins by 100's of different payment methods, such as MoneyGram, Western Union, PayPal, Visa, MasterCard, American Express and even exchanging your gift cards for bitcoins.

        ReplyDelete
      14. eToro is the #1 forex trading platform for newbie and full-time traders.

        ReplyDelete
      15. QUANTUM BINARY SIGNALS

        Get professional trading signals delivered to your cell phone daily.

        Start following our trades right now & gain up to 270% per day.

        ReplyDelete
      16. Claim FREE LiteCoins every hour from the Moon Litecoin Faucet.

        ReplyDelete
      17. Hi sir. Nabasa ko po yung blog m regarding sa bitcoin and im pretty interested kng paano ba tlga sya magwowork. Hehe hopefully maad kita sa fb at mgka pm tayo. Bie Mabazza yan po name ko sa fb. It would be a lot of help if matulungan nio po ako pra maging kagaya nio.. salamat po godbless andnlooking forward to talk to you.

        ReplyDelete
        Replies
        1. Thank you rin po sa pagbabasa ng blog ko. Eto po facebook ko https://web.facebook.com/ichan.bendana .

          Delete
      18. Smart multicurrency mining application & 1-click graphic miner.

        Start mining effectively with your computer or smartphone.

        Generate the most profit automining coins with the highest returns.

        Download MINERGATE.

        ReplyDelete
      19. BtcClicks is a big Bitcoin Get-Paid-To platform which allows you to to get paid in Bitcoins just for viewing advertisements and working in micro tasks.

        ReplyDelete
      20. Hi friends,

        Our team aims to help people start with their business for free. Just sign up at http://oke.io/o8uL8

        Join our team and let us help you make your life better.

        ReplyDelete
      21. earn bitcoin in philippines, paano magkapera sa coins.ph, paano kumita ng pera, coinsph tricks, ano ang coins.ph, is coins.ph legit, bitcoin in tagalog, paano kumita ng walang nilalabas na pera, ano ba ang bitcoin, ano ang bitcoin, paano gamitin ang bitcoin, bitcoin tutorial, ano ang cryptocurency, bitcoin philippines, ano ang bitcoin wallet, ano ang btc, ano nga ba ang bitcoin, legal ba ang bitcoin, what is bitcoin in tagalog, ano ang bitcoin halving, bitcoin investment, bitcoin philippines, philippine bitcoin investor

        ReplyDelete
      22. #Bitcoin, #anoangbitcoin, #bitcointagalog, #bitcoinphilippines earn bitcoin in philippines, paano magkapera sa coins.ph, paano kumita ng pera, coinsph tricks, ano ang coins.ph, is coins.ph legit, bitcoin in tagalog, paano kumita ng walang nilalabas na pera, ano ba ang bitcoin, ano ang bitcoin, paano gamitin ang bitcoin, bitcoin tutorial, ano ang cryptocurency, bitcoin philippines, ano ang bitcoin wallet, ano ang btc, ano nga ba ang bitcoin, legal ba ang bitcoin, what is bitcoin in tagalog, ano ang bitcoin halving, bitcoin investment, bitcoin philippines, philippine bitcoin investor

        ReplyDelete
      23. Do you want to get 30 bitcoin-related downline referrals every month, absolutely free?

        Here is Exactly How To:

        1. Claim 3,000 (30,000 maximum) free satoshi per 24 hours from the MellowAds Faucet.

        2. Start a daily banner campaign (define the budget with all your collected satoshi) promoting a bitcoin related referral link.

        3. Upon the campaign's completion, re-claim and re-start.

        ReplyDelete
      24. ForexTrendy is an advanced program capable of determining the most reliable continuation chart patterns. It scans through all the charts, on all time frames and analyzes every possible breakout.

        ReplyDelete
      25. BitKONG: Fun and addictive, provably fair bitcoin game.

        TIP: Claim bitcoins every 10 minutes from the free faucet.

        ReplyDelete
      26. Considering to join additional affiliate programs?
        Visit our affiliate directory to take a look at the ultimate list of affiliate programs.

        ReplyDelete
      27. GPS robot tripled the $100k deposit [live proof authenticated by myfxbook and broker]

        I just got done with a webinar with Mark and his partner, Antony, two days ago and it was AMAZING.

        During the webinar Mark and Antony shared their secrets to success and answered questions about their new version of the GPS Forex Robot that CAME OUT TODAY!

        ReplyDelete
      28. Invest in LiteCoin on eToro the World's Leading Social Trading Network...

        Join millions who have already discovered easier methods for investing in LiteCoin.

        Learn from established eToro traders or copy their positions automatically!

        ReplyDelete
      29. Exchange your Litecoins using Yobit - the world's BEST Crypto Exchange!!

        ReplyDelete
      30. naway kikita din ako katulad niyo matagal na hunted ang wallet ko,sa mabuting paraan ang hangad kong kita..salamat sa mga detalyeng nabasa ko..

        ReplyDelete
      31. Hello!

        My name is Andrea, an affiliate program manager for InstaForex Group.
        We would like to offer you the affiliate program cooperation that allows you getting $15-53 from every standard market lot of your customer. If you are interested, please contact me and I will provide the details.

        InstaForex provides all the partners with the following opportunities:

        SUB-IB Program - attract the partners and get the commissions from attracted by them clients;
        the widest range of promotional materials;
        free content for your web-site;
        advanced referral link statistics in your Partner Cabinet;
        free ready-made website for your convenience;
        coupon bonuses to encourage traders;
        the campaign - "$500 Affiliate Reward!";
        the gifts to partners: raffle of the mobile gadgets (iPad, iPhone, Blackberry, or Samsung Galaxy Tab);
        wide choice of payment systems for account replenishment and funds withdrawal;
        the support and the individual approach to every partner.


        Become an affiliate right now and get the informational materials for your web-site with the integrated affiliate link!

        Looking forward to hear you soon. Please reach me through skype id andrea.partners.ifx or email partners@mail4.instaforex.com. We will be glad to establish mutually advantageous cooperation with you.Thank you.



        Sincerely yours,
        Andrea

        Partner Relations Department
        InstaForex Group
        Skype ID : andrea.partners.ifx
        https://www.instaforex.com
        InstaForex Partners Facebook Page

        ReplyDelete
      32. Learn to Trade in Forex Philippines, We will teach you a range

        of day-trading strategies designed to mitigate risk. Trading over the dynamic market can become emotional,

        and it’s easy to
        get swept up in the excitement. By understanding your risks ahead of time, you can ensure that your

        decisions will remain considered and informed, helping to maximize your benefits and decrease your risk.

        ReplyDelete
      33. https://hashandcash.net
        easy BTC faucet

        ReplyDelete
      34. Check the most popular cryptocurrency trends and news if you want to make profit

        ReplyDelete
      35. Nice blog it is informative thank you for sharing Blockchain Online Training

        ReplyDelete
      36. CryptoDetail is a learning centre for cryptocurrency investors. Gread guides, helpfuk tutorials, how-to materials which could be interesting for cryptocurrency newcomers and professionals.

        ReplyDelete

      Ang blog na ito ay nananatiling Ads free, tumatanggap ng donasyon para mas lalong mapaganda ang site
      Bitcoin Address: 195HcjNnyPngtTLmf5ggki2Ay23rUuUhf2
      Ethereum Address: 0x3311539F165cE1ed2733eA5C330bAEDf42803ad4

      Maraming Salamat :)